Magandang gabi mga kapuso! Narito tayo sa paboritong gameshow ng buong family, ang ‘Family Feud’!
- Richard Gomez
Hahahaha, andito na ako. Ilang araw ko ring hinanap kung saan-saang video hosting site kung may episode na ng ‘Family Feud’. Umaaasang may mag-a-upload. Tatlong araw pa pagkatapos ng pilot epsode nito bago may nag-upload. Salamat at nakapanood din ako.
Comment! Comment!
Hindi muna ako mag-ko-comment kay Goma kasi bago pa lang sya sa pag-ho-host ng isang gameshow, even though may impact din yun, haha. Anyway, ok naman yung show generally kung ikukumpara mo sa previous show na pinalitan nito.
Ok na sana yung set kaso napansin ko lang, mahilig ata yung GMA sa neon lights. Tulad last time sa ‘Pinoy Idol’, after few episodes tinanggal din nila yung Pinoy Idol logo in neon lights sa judges’ table. Para sa akin di rin okay yung table nila para sa buzzer. Pati yung font at screen para sa list ng surveys, may igaganda pa yun di ba? Yung mismong title card nila parang OA sa pagka-3D/emboss effect, pwede naman nilang gamitin yung official title card na flat lang yung font na gamit dun. Anyway, bakit ko ba pinapansin yung font? (Font… na sabi ni Earl, dapat daw ay typesetting.) Hahahaha. Pasensya naman! Hindi ko lang maiwasang ikumpara ito sa ‘Wheel of Fortune’ set, kasi pareho naman silang franchise from US… Wala rin appeal yung theme (music/score) sakin.
Fair enough, ok naman ito, dahil nakakapag-isip ang mga manonood. Ok na ring maging alternatibo sa number-picking-and-pure-luck gameshow.
Ay, di ko rin pala gusto yung camera angle kapag sinasabi na sagot sa ‘Fast Money’ round. Pababa kasi yung view. OC!
Ang sabi ng sarbey…
(X) (X) (X)
Eto lang sabi ni Kris:
Good evening Philippines! Maraming, maraming salamat po sa lahat po [mula] sa amin dito dahil kahit na ano pong programa ang itapat sa amin, you still make us number one. Thank you!






